Mga Iconic Lines ni Mama: A Compilation

Narito na ang listahan ng lima sa mga favorite na saying ni Ina. May hindi ba kami naisali?
5-Relatable-Quotes-that-MOM-says-every-day

Isa siya sa mga pinakaunang babaeng nagpatibok ng ating mga puso, nagparamdam sa atin ng tunay na pagmamahal, at pumili sa atin simula pa noong Day One. Hanggang sa bawat hakbang na ating dinaanan siya ay ang ating “Number One” fan.

Hindi siya nagsasawang mag-alalay at magbigay ng suporta sa bawat hakbang na ating tatahakin sa ating buhay. Hindi rin siya nagsasawa na tayo’y paalalahanan dahil ang tanging layon niya ay ang makabubuti para sa atin– ang mga anak niya. 

Dahil siya lang naman at wala ng iba pa si Inay, Mama, Mommy, Nanay, Mudra, o kahit ano pa man ang inyong katawagan sa ilaw ng bawat tahanan, na talaga nga namang nagbibigay ng liwanag sa buhay ng kaniyang mga anak at sa buong pamilya.

Palaging nakaalalay ang isang ina sa mga desisyon na ginagawa ng kaniyang mga anak. Nariyan siya hindi upang mangialam kundi para gabayan tayo sa mga bagay na mayroon tayong pagaalinlangan at hindi kasiguraduhan.

Ngunit, sigurado ako na sa bawat tagubilin ni Ina ay meron diyan na halos araw araw ay binabanggit niya, ‘yung tipong kabisado mo na bawat letra kasi naman, paulit-ulit ma, hehe. Narito ang ilan sa milyon-milyong mga kataga na sa sobrang dalas na sinasabi ni Ina ay umaabot na sa point na bumubula na ang bibig niya at siyempre, umuusok na rin ang ilong niya.

1. “Gamitin ang mata, ‘wag ang bibig.”

Isa ka rin ba sa mga anak na laging nakakarinig neto mula sa nanay mo? Kung isa ka sa mga anak na nasabihan na ng iconic line na ito, sigurado ako na maraming bagay ang pinahanap sa’yo, ngunit kadalasa’y hindi mo ito mahanap. At ang ending, magtatanong ka nalang kay nanay and sasagutin ka naman niya for sure, kaso don’t settle for less ika-nga. Kaya naman with matching talak na. 

Kaya naman, aminin natin, ito ang isa sa mga kadalasang maisisigaw ng nanay mo sa iyo, lalo na pag nag uutos siya. Bakit? Jusq naman kasi dzai, inutos na nga sa’yo tas hahanapin mo lang din pala sa nanay mo. ‘Yung tipong dinetalye na sa’yo kung san mo kukunin ‘yung bagay na pinapakuha sa’yo. Pero ikaw, magtatanong ka parin ng: “Ma, asan yung…”, “Ma, hindi ko makita yung…” Sa sobrang tagal mo kuhanin ‘yung pinapaabot niya, si Mama mo na rin kukuha. At syempre, ‘di papahuli ‘yung galit niya, “Eto oh nasa harap mo na, kung ahas yan tinuklaw ka na!”

Ano, hahanapin mo na ba ‘yung pinapakuha sa’yo? Aba’y dapat lang, dahil mahirap masabihan ng katagang ito. Dahil ayun na nga, ang tanging hangad lang naman ni Ina ay ‘yung matuto ka. Hindi para pagalitan ka, kasi nga gusto niyang malaman mo na wala kang bagay na makakamit kung puro ka lang tanong o asa sa kaniya. Kaya tinuturuan ka niyang tumayo sa sarili mong mga paa, para ‘pag mas malalaking bagay na ang hahanapin mo (trabaho, pamilya, atbp.), handa ka na. Sapagkat, naituro niya na sa iyo, na lahat ng bagay na hanapin mo ay makikita mo. Basta’t may tiyaga kang maghanap, siguradong wala kang mamimiss-out.

2. “Papunta ka palang, pabalik na ako.”

Pamilyar ka rin ba sa katagang ito? Natural na ang linyang ito sa mga nanay na nagpapangaral sa kaniyang mga anak, kumbaga pag narinig mo ito mula kay Inay, mapapasabi ka nalang ng “Don’t panic, it’s organic.” 

Kasi naman mangangatwiran ka pa. Alam mo na ngang lahat ng bagay ay alam ni Ina, daig niya pa dictionary diba? Lahat ng paliwanag mo ay hindi lulusot kasi nga dinanas niya na ‘yan. Nagawa niya na rin ‘yan nung kabataan niya. Kaya lahat ng iyong ginawa ay alam niya, dahil nga “papunta ka palang, pabalik na siya.”

Pero sa tingin ninyo, bakit nga ba laging sinasabi ng mga nanay natin na, “papunta pa lang tayo ay pabalik na sila?” 

Sinasabi nila ito upang sa ati’y laging ipaalala na ‘wag na nating balakin gumawa ng mga bagay na alam nating makakasira sa atin. Dahil alam na nila ‘yung mga resulta ng ating mga balak gawin. Kumbaga, sa isang event, ay nag-re-register ka palang, nasa awarding ceremony na sila. Kaya naman mas maigi nang makinig nalang kay nanay. Dahil sabi nga sa isang kasabihan “Mother knows BEST.”

3. “Sino na naman ‘yang ka-chat mo?”

Tumataas ba ang level ng anxiety mo sa tuwing hihiramin ng mama mo ang cellphone mo? Nakararamdam ka ba ng takot sa maaari niyang matuklasan kahit wala ka naman talagang tinatago? At minsan sa sobrang takot mo, napapasunod ka ng wala sa oras kay mama mo. Like parang, may magnet ‘yung telepono mo kasi doon lamang nakatutok buong atensiyon mo. Kung ikaw ay ganoon din, well ‘di ka nag-iisa.

Sa bawat notification na lilitaw sa screen ng cellphone mo ay mapapadasal ka na lang na sana ay group chat niyo iyon at hindi iyong manliligaw na pinagsususpetsahan ng nanay mo (Kasi alam mo naman, daig pa ni mama mo si Detective Conan). Kaso, minsan talaga, nakakalito ang ikot ng mundo. Kapag reyna o hari ka nga naman ng kamalasan, sa oras pa na hawak ni mama mag-no-notify ‘yung pangalan ni crux. Kaya naman, Congrats sa’yo, bisto ka na! Minsan turn off notifications kasi teh! Bawi ka nalang sa kilig sa next life.

4.  “Selpon ka nalang ng selpon!”

Sa puntong sabihin ng mama mo ang katagang ito, ihanda mo na ang tainga mo para sa mahaba-habang homily na kaniyang babanggitin (mapapa-rAmen ka nalang sa haba). Dumaing ka lang sa kanya na masakit ang paa mo, “‘Yan, puro ka kasi selpon!” ang tugon na matatanggap mo. 

At hindi lang iyan, maaari pa niya ‘yan sundan ng history lecture featuring the mantra, “Noong kapanahunan ko nga…” o minsa’y “Kami nga noon…” Pag narinig mo ang dalawang pariralang  ito ay mag-earplugs ka na! Dahil lahat ng bagay na mapapansin sa’yo ay madadamay na at worse– grounded ka. Naku mapapa-sad layp iz meh! ka nalang talaga.

Diba minsan kasi, mga everyday, ay paulit-ulit na lang, unlimited, at dumadating sa puntong saulado na natin ang mga paborito nilang linya. Gayunpaman, kahit paulit-ulit ang mga linya ng mga nanay natin, paulit-ulit at hinding-hindi rin natin pagsasawaang sabihin sa kanila na mahal na mahal natin sila. Dahil kahit kailan ‘di rin sila nagsawa sa ating mga anak nila.

5.  “Hindi ako namumulot ng pera”

Scenario: “Ring! Ring! Ring” 

Hala may shopee nga pala ako today, ubos na allowance ko, huhu!

Maaaaaaaaa!!! Penge po pera, hihi. *Pa-cute face ka pa*

(Mag-aabot na si Mama ng pera)

Kung akala mo’y tapos na, dzai hindi pa (papunta palang tayo sa exciting part). Dahil pagka-abot ni mama mo ng pera ay nagbabadya na ang galit sa mukha niya at ‘yung usok sa ilong niya’y kakaiba na. Nararamdaman mo na ba? Wandat kung oo.

Kasabay nung nagbabadyang galit ni Ina ay ang simula ng pagbuka ng kaniyang bibig. “Mayroon ka na ngang allowance, nauubusan ka pa rin,” “Kung wala kang pambayad, ‘wag kang o-order.”

Guilty ka rin ba sa ganitong situwasyon? Kasi naman teh! Budget your allowance wisely, para ‘di mo naririnig ang sermon ni mama mo, weekly.  Mga sermon na for your own good, kasi tinuturuan ka niyang mag-budget ng sarili mong pera. Para bang pinaparamdam niya sa’yo kung paano mo dapat i-handle ‘yung pera na ibinibigay sa’yo. Kasi nga lahat ng iyan ay kaniyang pinaghihirapan at hindi niya pinupulot. 

At ayun na nga ang iilan sa pagkarami raming mga katagang laging sinasambit ni Ina. Mga salitang tinanim niya sa isipan–ating mga isipan–na nagbigay gabay din sa pagtataguyod niya sa atin.

Ako, ikaw, tayong lahat, lahat tayo’y anak ng isang ina. Isang Ina na nagdala sa’tin sa sinapupunan ng siyam na buwan, kinarga hanggang sa matutong maglakad, kinakausap hanggang sa matuto nang magsalita, tinuruan kung paano magbasa’t sumulat, nagsilbing halimbawa sa kung ano ang tamang asal, at higit sa lahat nagpakita sa’tin kung paano nga ba ang tunay na pagmamahal. 

Pagmamahal na ‘di ka makakaranas ng cool off o kahit anong break up dahil si Nanay, hindi yan magsasawang mahalin ka. Sabi nga niya, “Paano kita matitiis, anak kita,” kaya bilang paggunita sa araw niya o nila, atin nang ipadama sa lahat ng Nanay, Inay, Mama, Mommy, Mudra, Eomma–o kahit ano pa man ang katawagan ninyo sa napakagandang babaeng tumaguyod sa iyo–na araw nila ito.

Ito ang araw na dapat ay mag buhay reyna sila, dahil deserve nila ang pahinga. Sa rami ng araw sa isang buong taon, walang sawang pag-suporta ang binigay niya, kaya’t nararapat lamang na matamasa nila ‘yung “beauty rest” sa araw na ito, dahil ito ang nag-iisang araw na masasabi nila sa buong mundo na “INA AKO.”

Maisisigaw ng nanay sa bawat sulok ng mundo na: “Naging mabuting ina ako, napalaki ko ng tama ang anak ko, at hinding-hindi ako magsisisi na pinili kong maging ina sa unang araw pa lamang na malaman kong buntis ako.” 

Kaya naman sa lahat ng nanay out there, na walang sawang gumagabay at nag-aaruga sa kanila mga anak. HAPPY MOTHER’S DAY po sa inyong lahat, kayo ang tunay na hero sa buhay ng mga anak na katulad ko. Mwa mwa *Flying Kiss*

Picture of Julia Pangilinan

Julia Pangilinan

Cheska is currently a probationary member of the Amateur Media Association of the Philippine Scouts and an entertainment writer under the Philippine Scout Tribune. She believes that in the quote saying "Don't follow your dream, chase them."

Leave your reply

Be a Scout journalist!