[2021] Ang 12 Pinakamahusay na #RP612fic

A-dose na muli ng Hunyo, narito na ang 12 #RP612fic noong 2021 na nakapukaw ng aming pansin. Alternatibo pero hindi binabaluktot ang kasaysayan.
E3nTNhdVEAAHO5p

June 12 na naman, it’s that time of the year ika nga. Ngayon ay Araw ng Kalayaan, ating inaalala ang matagumpay na pagkamit ng kalayaan at kasarinlan ng ating bansa mula sa mga mananakop na Espanyol, at kabayanihan ng bawat Pilipinong lumaban para rito. At pag ganitong panahon, muli nagsisilitawan ang #RP612fic, o mga alternatibong historikal na pagkukwento na may kinalaman sa kalayaan ng ating bansa. Dito lumalabas ang mga malikhain o sadyang nakatatawang mga tweets ng mga flash-fiction na ginawa ng mga Pilipinong manunulat, artista, o normal na tao. Inumpisahan ito noong 2009 ni Paolo Chikiamco, isang Philippine Alternative Mythology Writer.

Mula noon, hanggang ngayon, pinapasakit nito ang tyan  ng mambabasa sa kakatawa, o kaya naman binubusog nito ang mata sa ganda ng likhain. Ngayong araw, aming pinagsama-sama ang ilan sa mga pinakamahuhusay na #RP612fic noong nakaraang 2021.

Narito na ang mga nakakatawang likha ng ating mga kababayan Pilipino, halika’t ating silipin.

Malolos Convention (Pandemic Version)

Kung sa pagtitipon, hindi mag papa-huli ang ating Rebolusyonaryong Kongreso sa tiyak na makabuluhan at masigasig na talakayan. Kung saang man lupalop ng kanayunan, maasahan mo na nariyan. Zoom dito, Zoom diyan at mag mute-mute ka lang at Off-cam pa.

Ang laban para sa kalayaan, ay laban para sa nasa laylayan.

Mula noon hangang sa ngayon, Pilipinong may pusong sagutin ang tugon. Pilipinong may tapang na muling bumangon. Pilipinong buo ang paninindigan. Sama-sama para sa kalayaan!

Malayang pagmamahalan

Paglalaban natin maging malaya, para umibig ng payapa. Paano naman ikaw na pinalaya lang? Char!

Takbo at tago, mga kabaro!

*Reads in Sa Isang Sulyap Mo tune* Sa isang sulyap mo, ako’y napa-takbo. Naghahanap ng lugar, para maka-pagtago.

Tinolang Leeg

Pritong twalya na tinola. Sabihin mo lang kung may galit ka sa pari, hindi ung bibigyan nyo ng leeg kung ayaw nyo magalit.

“Fake news na may problem ako sa pag-imprenta, bruh” – J. Rizal, sheesh!

Nakukulangan ng pera sa pag-imprenta who? Baka naka-Apple yarn! Seryoso ako, wag kang makulit

Tandang Sora’s 1899 (Melchora’s Version) Album

Tandang Sora spotted: Kanta bago sakuna. With her award-winning and Tyranny’s winning songs!

Katipunera’s Reputation Era

Mapapa- “Don’t blame me, love made me crazy. If it doesn’t you, you’re not doing it right it.” ka na lang talaga sa pagmamahal sa bayan.

Gabriela Silang (Tank Build Version)

The bullet will never bother her anyway sa laki ng shield ni Gabriela Silang. Di baleng pumalya sa Vigan, at least buhay pa din mula sa kasundalohan.

“Package deal! Lahat na nasa kanya” -Leonor Rivera

“Ang hirap talagang maging maganda… talagang gusto nila agawin ng lahat ng nasa iyo. Ang talino at gwapo pa ng boyfriend ko, package deal, lahat na nasa kanya!” Mula kay Rivera nang nakapanayam sya sa isang interview. Kakaiba ang umibig sa isang Jose Rizal, palaging may exciting part.

 Huling piyok bago mamatay

Hindi pa tayo tapos magkikita pa tayo sa kabilang ibay-O!. Ang pumiyok ng dahil sayo!

Melchora Aquino, Vlogger Era (Like and Subscribe!)

So I have this Agua Oxinada I bought from Shopee, and this Betadine from Lazada. Super effective sya guys, lalo na itong band-aid nila. Use my promo/voucher code, Melchors1899, for 10%off.

Talaga namang iba ang taba ng utak ng mga Pilipino sa iba’t ibang entries na ating nabasa. Nawa’y natuwa kayo at mamayani sa inyo ang pusong Maka-bayan. Nawa rin inyong laging isapuso at isipin ang importansya ng kalayaang ating natatamasa, upang hindi ito masupil ng mga nagtatangkang agawin sa’tin ito. Hanggang sa muling #RP612fic, Maligayang Araw ng Kalayaan!
Picture of Julia Pangilinan

Julia Pangilinan

Cheska is currently a probationary member of the Amateur Media Association of the Philippine Scouts and an entertainment writer under the Philippine Scout Tribune. She believes that in the quote saying "Don't follow your dream, chase them."

Leave your reply

Be a Scout journalist!